Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba
ang iyong sariling wika? Ipinagdririwang mo ba ang iyong sariling wika?
Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mg tanong na di mawari sa aking
isipan. Bilang isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at
ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto
sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang
kahalagahan ng mga baya-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang
bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang
paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao.
Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng
isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa
kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na
gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang
ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang
sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit
gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro
na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na
ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na ang desison kung
magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay daahil tayo lamang
mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang
ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo
magpunta.
Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa". Siya ang nangunang maghubog ng Wikang Pammbansa na Wikang
Filipino. Marami tayong wika dit sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano
,Tagalog, at iba pa. Maram tayong iba't-ibang wika dahl sa archepilagong hugis
ng ating bansa . layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi madali
ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na pumili at
agtalaga n aing sariling Wika dahil maraming hindii desidido at hindi sang-ayon
nito. Hanggang nakapagdesisyon n ang madla na nnag magiging Wikan Pambansa ay
ang Wikang Filipino.
Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang
isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik
tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabo ang Wikang Filipino. Maraming
mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba't-ibang patimpalak isa
isa na rito anng tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang io
maas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahhalagahan ng Wikang Filipino.
Hiindii lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil
ginagami natin ang ating wika bawat segundo. minuto at araw sa ating buhay.
Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara
sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles a ang pangunahing linggwahi nna
mmas ginnagamit nga karamihan kait saan man sila maggpunta sa mundo. Pero parra
sa akin at sa mg atong mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay
ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating
katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad an ating sariling
bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang
Japan. Mas pinahahalagahan nila nag kanilang sariiling wika kasa sa ibang wika
kait ganito napapaunllad pparin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang
kanilang bbansa sa pinakamaunlad na bansa sa buoong mundo. Sabi pa nga g ating
bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi marunoong magmahal sa sariling
wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan
natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita
kundi sa gawa.
Ma'am maari ko po ba itong magamit sa aming modyul?
TumugonBurahinMa'am maaari ko po ba itong magamit sa aming modyul?
TumugonBurahinMa'am maari ko po ba tongmagamit sa aming modyul
TumugonBurahin