Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba't ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay
higit sa hayop at malansang isda. -Gat Jose Rizal
Kahalagahan ng Wika
"Ang
hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na
katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.
Ang
wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito
ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang
bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.
Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay
nakikita ang iba't ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at
humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng
natatanging kultura ng isang bansa.
Kasaysayan
Noong
ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio OsmeƱa ng Proklamasyon
Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril
bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni
Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo
ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng
petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa".
Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging
imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.
Pagkatapos
ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang
Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang
pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto kada taon.
Upang
higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika,
idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang
Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15
ng Enero, 1997.
Sa
kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa
Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa
bansa.
Selebrasyon
Karaniwang
ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula,
pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay,
pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang
sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan,
paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba't ibang munisipalidad
Ayon sa DepEd
"Ang
hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang mga tanyag na
katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na
nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.Ang wika ng
isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay
buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad
na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at
pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi
ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung
sino tayo.
Ang
importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay
matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas
mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula
Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang "Filipino"
pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.Sa
ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na
siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika
rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
Kaya
ang "Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay
pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga
kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa
pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan
bilang isang indibidual at bilang isang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento