.jpg)
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay
higit sa hayop at malansang isda. -Gat Jose Rizal
Kahalagahan ng Wika

Ang
wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito
ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang
bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.
Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay
nakikita ang iba't ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at
humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng
natatanging kultura ng isang bansa.
Kasaysayan
Noong
ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon
Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril
bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni
Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo
ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng
petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa".
Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging
imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.
Pagkatapos
ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang
Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang
pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto kada taon.
Upang
higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika,
idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang
Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15
ng Enero, 1997.
Sa
kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa
Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa
bansa.
Selebrasyon
.jpg)
Ayon sa DepEd
.png)
Ang
importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay
matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas
mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula
Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang "Filipino"
pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.Sa
ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na
siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika
rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
Kaya
ang "Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay
pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga
kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa
pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan
bilang isang indibidual at bilang isang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento