Linggo, Marso 22, 2015

Isang talumpati tungkol sa wikang Filipino


"Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ang pilipinas ng sariling wika, isang wikang nakabatay sa mga katutubo. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan--ang kakulangan ng isnag tunay na pambansand kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Nauunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ang aking Ama. Siya, siya ang Pangulo ng Pilipinas; ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag kami'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang ating mga kapwa mamamayan, kailangan pa naming ng tagapagsalin upang magkaintindihan. Nakakahiya, hindi ba? Parang asong namumuno sa samahan ng mga pusa. Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo ng Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Halata ba? Pero, kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin. Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamitng lahat."


Para sa aming mga guro...



Ang Aking Guro, Aking Bayani!

Paggising sa umaga,
Diwa’y inaantok pa
Ngunit tayo’y papasok na
Papasok na sa eskwela

Simula pagkabata hanggang sa pagtanda

Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina
Nariyan para gumabay at mag-aruga,
Pasasalamat lamang ay nararapat itakda.

Sa aking paglaki…
Di iniisip mga pagkakamali,
Ngunit ngiti lamang syang sinukli,
At mga payong sa lungkot ay humahawi.

Kayo ay laging kaalalay,
Nagbibigay kulay sa aking buhay,
Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay
Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay.

Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo
Mga minamahal at ginigiliw na guro ko
Walang pag-aalinlangang ipapakita ko

Ikaw aking guro bayani ng buhay ko!





Guro ko, Bayani Ka
Aming mga guro ay sadyang masipag,
Sa kanilang pagtuturong kanilang hinaharap,
Sa mga estudyanteng kanilang tagapakinig;
Silang mga guro’y sadyang nakakabilib.

Pangalawang magulang ng mga mag-aaral,
Nagtutruro ng mabuti at pagiging marangal,
Sadyang napakahusay ng kanilang katangian,
Sa ating mga asal,itinuturo ang kagandahan.

Sa mga mag-aaral na sadyang makukulit,
Di maiiwasang ang guro ay magsungit,
Ngunit wag mangamba, sila talaga’y mababait,
Hangga’t maari  sila ay magtitiis

Anumang mga pagsubok kaya nating lampasan
Sa ipinapakita ng mga gurong kabayanihan
Kaya sa tula’y aking sasabihin na
Guro ko, Mahal ko, Bayani Ka!


Guro ko, Hero Ko
Kadalasa’y bumibilib tayo sa kanila
Sa pagmamahal at sa kanilang tyaga
Kaya tayong mga mag-aaral ay mahal din sila
Dahil Tayo ang nangungunang tagahanga nila.

Ngunit alam nating hirap na rin sila,
Kaya naman pahalagahan natin sa twina
Salamat sa pag-aaruga at sa kaalaman ninyo,
Dahiol sa inyo ako’y dagling natuto.

Salamat po talaga ng marami
Dahil sa kaalama’y kami ay di nahuhuli,
Mahal po namin kayo, walang magbabago
Kahit pa magbago ang ikot nitong mundo.

Kayo po ang pangalawang magulang ko
Dahil sa inyo, naeengganyong magbago
Sana ay patnubayan kayo  ng ating Panginoon,
Guro ko, Hero ko sa habampanahon…


Bayani ko ang guro ko
Sa araw-araw na pagpasok sa eskwela
Kayo ang aming nakakasama
Nagbibigay kaalaman,para sa kinabukasan

Sa maraming taong ginugol sa paaralan
Kayo ang syang naging sandigan,
Nagbibigay sagot sa’king mga katangungan

Salamat sa inyo aking mga guro,
Sapagkat kung wala kayo, di kami natuto,
Lahat ng alam namin utang namin sa inyo.

Tama! Kayo ang gabay tungo sa magandang buhay,
Mga turo ninyo ay walang kapantay,
Hinding-hindi malilimutan, anuman ang maranasan

Bayani ko ang guro ko at ngayon ay pinasasalamatan!


Ang mga Guro ay Huwaran
Huwaran kung sila ay tawagin,
Espesyal sila sa buhay natin
Sila ang dahilan ng ating tagumpay,
Sila ang tumutulong at umaagapay.

Guro ang mga pangalawang magulang
Bigyan ng respeto, ating mahalin.
Mahalaga sa ating puso at mga buhay,
Ating pahalagahan, bigyan ng pugay.

Huwaran, sila ay dapat hangaan
Dulot nila ay kaalamang wala ng katapusan
Para sa mga oras sa pagtuturo sa ati’y kanilang inuukol,
Kahit kung minsan isip nati’y bulakbol.

Mahal nila tayo, dapat mahal natin sila
Magandang kinabukasan kasi ay dulot nila
Oras na kanilang ginugugol sa pagtuturo,
Kahapon, ngayon at bukas Sila ang ating mga guro…


Sa aking mga Guro
Araw-araw na lang kami ay inyong tinuturuan
Sa paaralang aming pangalawang tahanan
Kung saan nakakilala kami ng pangalawang magulang
Na kahit kalian pa ma’y di namin malilimutan.

Di namin alam kung kami ba’y naging mabuti
At bakit kabutihan ang inyong mga ganti
Batid namin na kami ay may kakulangan
Na amin naming handang punan

Lagi nyo kaming pinapahalagan.
Kahit minsa’y kami ay inyong kinaiinisan
Kaya naman sa araw-araw po nating pagsasamahan
Hangad namin ang katiwasayan at kabutihan

Ang aking mga sinambit ay tunay pos a aking kalooban
Ginawa kop o ng walang halong kaplastikan
Sapagkat aking isip sa pagtula’y di ko mapigilan
Kapag kayo na ang iniisip na pasalamatan…






Guro                      
Ang nagpabatid ng mga kaalaman
Sa atin at sa buong sambayan
Nagtuturo ng magandang asal
At itinuturing na pangalawang magulang

Sila ay lubos na iginagalang
Ng lahat ng nilalang
Ng lahat na noo’y
Mga batang walang muwang lamang

Kadalasan sila ay mabait
Ngunit minsa’y nagsusungit
Ngunit sa likod nito
Ay mga labing masaya at nakangiti

Tayo ay natututo
Sa kanilang mga itinuturo
Tayo ay kanilang sinasagip
Upang sa tamang landas di malihis


Filipino: Wikang Pambansa




Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba't ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda. -Gat Jose Rizal
Kahalagahan ng Wika

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. 
Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba't ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.


Kasaysayan
Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio OsmeƱa ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.

Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.

Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.

Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.


Selebrasyon
Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba't ibang munisipalidad 

 Ayon sa DepEd
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang mga tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.

Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang "Filipino" pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.


Kaya ang "Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.


Kung Makakapagsalita Lang Ang Ating Wika



Nakapagtataka…… paano na lamang kung nakakapagsalita ang wika? Paano kaya yun? Ano kaya sasabihin nito sa atin lalong-lalo na sa ating mga tunay na PILIPINO? Teka, teka, teka matanong ko lang, tayo ba talaga ay mga tunay na Pilipino?  

Maaring sa ating hitsura, kulay ng balat o maging sa lugar na tayo ay ipinanganak masasabing tayo ay Pilipino. Subalit ang paggamit ba natin at pagtangkilik ng sariling atin ay ating nagagawa kahit pa may mga naglilitawan na mga bago at masasabing mas higit pa sa ating sariling bansa? Lalong-lalo na kung pag-uusapan ang tungkol sa ating wika…… ang Wikang Filipino.

Matanong ko kayo??? Alin ang mas ginagamit natin…. Wikang Filipino o Wikang Ingles?? Kung hindi ako nagkakamali, mas tinatangkilik natin ang wikang hiram. Aminin na natin sa ating sarili na kapag nagagamit natin ang wikang Ingles, parang kabilang tayo sa mga kabataang “in” sa grupo. Ingles doon, ingles dito….akala mo nasa ibang bansa eh ang totoo nasa Pilipinas lang naman. Hindi naman masamang gamitin ang wikang Ingles subalit kailangan ring mas maging priyoridad nating mga kabataan ang pagtangkilik ng wikang sariling atin. Minsan nga may nakatabi akong isang pamilya sa jeepney, yung ama, ina at ang kanilang anak. Yung ina at ama ay kinakausap ang kanilang anak gamit ang wikang Filipino. Ang buong akala ko eh sasagot yung anak nila na gamit rin ang wikang Filipino. Subalit nagkamali ako. Wikang Ingles ang naging kasagutan ng bata. “Wow! Nosebleed!” yan na lang nasabi ko sa sarili ko. Oh diba? Pati ako nakakaingles na rin dahil sa batang yun. Nakakalungkot isiping sa murang edad niya ay mas bihasa siya sa wikang hiram kaysa sa wikang sariling atin. Katanggap-tanggap pa sana kung isa sa magulang niya ay may lahing dayuhan subalit purong Pilipino sila. Kung makakapagsalita lang ang ating wika sa mga oras na iyon, siguro una nitong pagsasabihan ang magulang ng bata. Bakit mas pinili nilang ituro sa bata ang wikang hiram kaysa sa sariling wika? May mali ba sa paggamit ng wikang Filipino? Oo masasabing anak nga nila ay Pilipino subalit uhaw naman sila at mangmang sa wikang sa kauna-unahan pa lamang ay dapat kinamulatan na nila at kabisado na nilang isalita. Maaring marunong sila umintindi ng wikang Filipino subalit hindi naman makapagsalita………. ganun pa rin,, walang halaga. Ang magulang ay dapat sanang unang magturo ng wikang Filipino sa kanilang mga anak subalit ano na lang ang nangyayari sa kasalukuyan? Dahil na rin sa moderno na ang panahon ngayon, kailangan ba talagang pati pagsasalita ay moderno na rin?
Isa pa sa nasaksihan ko ang paggamit ng Taglish (Tagalog- English) na salita ng mga grupo ng kabataan lalong-lalo na ng mga kababaihan. Bakit kaya nila ito ginagamit? Pampadagdag ganda points??? Gising na kayo sa bangungot niyo!! Nakadaragdag lang yan ng hindi kagandahan kundi kaartehan.! Hindi naman sa nagagalit ako kundi nagpapaliwanag lang po. Ang iba kasi kahit hindi naman bagay at angkop ang taglish nila, sige pa rin kahit minsan ay nakakairita na. Akala nila ang gandang pakinggan subalit ang totoo kung ika’y pikunin, bigla na lang iinit ang ulo mo. Kung makakapagsalita lang ang ating wika mapagsasabihan sila ng “Anong ginagawa niyo sa wikang hindi naman kailangan baguhin at dagdagan ng hindi naman angkop sa bawat salita?” Totoong ang wika ay nagbabago pero sana naman huwag baguhin o dagdagan ang mga salita ng ibang salita na magreresulta lamang sa kaartehan na sa katunayan naman eh hindi talaga nababagay.
Mawawala ba naman ang pag-usbong ng mga bagong salita…… JEJEMON (Eow Phoews,,,,,jejejejeje) maging ang GAYLINGO (Junakis ni mudra) o mas kilala bilang salita ng mga bakla. Kung makakapagsalita lang ang ating wika….. maaring matanong o masabi nitong “Hindi naman ginawa ang wika para gawing katuwaan lamang.” Ito’y ginawa at nalikha para magsilbing ating pang-araw-araw na isasalita subalit dahil sa ang tao ay hindi pa kuntento sa kung ano ang wika, dinaragdagan pa nila ito at ang masakit pa ay nagiging kakatwa pa ang nagagawa at naiimbentong salita. Oo, masayahin lang talaga ang mga Pinoy pero huwag naman sana dagdagan ng mga kakatwang salita ang ating sariling wika. Hindi naman sa binabatikos ko ang mga taong jejemon at mga bakla na pangunahing gumagamit ng mga salitang ito. Ang sa akin lang ay sana huwag umabot sa puntong magiging katuwaan lang ang paggamit ng wika natin. Simula’t simula pa walang umusbong ng mga salitang gaya nito na sumasabotahe sa ating wika.
Wala na akong ibang masabi,,,,,,,, nawa’y sana nalinawan kayo sa aking munting pagpapaalala,,,, eto lang ang maiiwanan kong sasabihin…. Kung Makakapagsalita lang ang ating wika,,,,,,,,,,matatauhan tayo at mamumulat sa hindi natin pagpapahalaga sa ating sariling wika…. Ang WIKANG FILIPINO.

Isang sanaysay para sa Wikang Pambansa-Filipino

Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdririwang mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mg tanong na di mawari sa aking isipan. Bilang isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga baya-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na ang desison kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay daahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.
Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Siya ang nangunang maghubog ng Wikang Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dit sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano ,Tagalog, at iba pa. Maram tayong iba't-ibang wika dahl sa archepilagong hugis ng ating bansa . layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na pumili at agtalaga n aing sariling Wika dahil maraming hindii desidido at hindi sang-ayon nito. Hanggang nakapagdesisyon n ang madla na nnag magiging Wikan Pambansa ay ang Wikang Filipino.
Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabo ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba't-ibang patimpalak isa isa na rito anng tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang io maas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahhalagahan ng Wikang Filipino. Hiindii lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagami natin ang ating wika bawat segundo. minuto at araw sa ating buhay.

Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles a ang pangunahing linggwahi nna mmas ginnagamit nga karamihan kait saan man sila maggpunta sa mundo. Pero parra sa akin at sa mg atong mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad an ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan. Mas pinahahalagahan nila nag kanilang sariiling wika kasa sa ibang wika kait ganito napapaunllad pparin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bbansa sa pinakamaunlad na bansa sa buoong mundo. Sabi pa nga g ating bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi marunoong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.